DSWD KALAHI-CIDSS: Nagbibigay-daan sa ’empowerment’ ng kababaihan sa komunidad
Pantay na pagtingin sa kasarian o gender equality ang isa sa maituturing na magandang epekto ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) isa sa mga programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito ang binigyang diin ni KALAHI-CIDSS) National Program Manager (NPM) Director Bernadette Mapue-Joaquin kung saan sinabi nitong maganda ang naging epekto ng community-driven development (CDD) approach ng programa sa komunidad.
Sa ginanap na DSWD Media forum nitong Huwebes (October 10) sinabi ni NPM Director Mapue-Joaquin, aktibong nakikibahagi sa community projects ang mga kababaihan.
“Marami po sa kababaihan sa KALAHI-CIDSS ay kabilang sa paid labor. Ibig sabihin, may mga proyekto kung saan sila po yung nagma-mason, sila po yung nagpapala. Meron din tayong volunteers, pero meron din po tayong kasama po sa paid labor po na mga kababaihan. May 700,000 po yan na naging bahagi natin,” sabi ni Director Mapue-Joaquin.
Ang DSWD Thursday Media Forum ay ginanap sa Sequoia Hotel, Quezon City kasunod ng celebration at Bayani Ka! Awards para sa mga KALAHI-CIDSS volunteers at partners nito.
Ayon pa sa NPM Director, ang mga kababaihang ito ay nagsisilbi bilang program volunteers o paid workers and laborers sa ilalim ng KALAHI-CIDSS’ cash-for-work (CFW) mechanism.
Kinilala naman ni Buguias town Vice Mayor Dione Baucas ng Benguet province ang magandang naidulot ng programa sa mga komunidad dahil sa pantay na pagtingin nito sa mga kababaihan. Bukod pa sa nalaki ang naitulong ng programa upang labanan ang kahirapan sa pamamagitan ng mga sub projects na nakapaloob sa programa.
“No’ng dumating ang KALAHI, maraming naitulong sa amin. Nakita ko yung empowerment ng mga kababayan namin, lalo na yung mga babae, na dati-rati umaasa lang sa desisyon ng mga lalaki. Pero nung dumating yung KALAHI, nung may meeting sila, na-eempower sila” sabi ni Vice Mayor Baucas.
Isa si Pacita Accad, sa KALAHI CIDSS volunteers ang nagsabinng ang programa ng DSWD ang nagbigay daan upang magkaroon ng responsibilidad ang lahat para sa kanilang komunidad .
“Laking pasasalamat dahil hindi ko akalain na sa DSWD hindi pala sa mga bagay lang na mga personal na tulong ang binibigay. Kundi nung dumating ang KALAHI, dito ko naramdaman talaga ang pagiging volunteer, hindi mo na kailangang isipin pa yung pamilya. Iniisip ko na talaga yung kapakanan ng aking kabaranggay kasi unti-unti kong nakikita yung pag-unlad,” sabi ni Pacita na isa sa mga nominees ng Bayani Ka! Award.
“Sa pagiging volunteer, sabi ko sa sarili ko dito ko na ibabalik yung binigay ng DSWD sa pamilya ko sa pagiging volunteer sa community,” dagdag pa ni Pacita.
Ang Kalahi-CIDSS ay isa sa mga poverty alleviation program ng DSWD sa pamamagitan ng CDD approach o community driven development approach ay naibigay nito ng maayos ang service delivery, poverty reduction, at good governance outcomes.
Sinimulan noong 2003, ang KALAHI CIDSS ay nakapagbigay na ng basic social services sa mahigit 23 million poor, vulnerable, marginalized, and geographically isolated households, sa pamamagitan ng 87,987 community projects.
Kabilang sa proyektong ito ang access roads; improved water, electrification and lighting systems; medical supplies; tools and equipment; barangay health stations; at child development centers. #