DSWD Family Camping 2015

Noong Enero 14-19, 2015, ginanap ang family camping sa Nasugbu, Batangas na dinaluhan ng may 100 Homeless Street Families (HSFs) na boluntaryong nagpaunlak sa imbitasyon ng LGUs at DSWD

Sa limang araw na family camping, sila ay binigyan ng initial orientation tungkol sa tulong na maaari nilang matanggap kung sila ay kwalipikadong maging benepisyaryo ng Modified Conditional Cash Transfer (MCCT). Doon,tinuruan din silang bumasa at sumulat, nagkaroon ng character building at counseling, vocational and life skills training, pati na medical services at sports clinic.

Sa kabuuan, may 6 na camping activities na ang naisagawa ng DSWD sa pakikipagtulungan sa 17 LGUs mula 2011 hanggang 2015.

Alamin ang saloobin ng ilan sa mga lumahok tungkol sa kanilang naging karanasan sa loob ng limang araw na family camping.