Isang katutubong Aeta mula sa Olongapo City ang nakumbinsi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na sumama sa ahensya upang matulungang bumalik sa kanilang hometown at mabigyan ng pangkabuhayan sa ilalim ng Oplan Pag-Abot project.

Kabilang sa tulong na ibinibigay ng DSWD sa mga indibidwal at pamilyang na-reach out ay ang livelihood assistance at transitory packages na layuning tulungan sila na makapagsimulang muli.