The Department of Social Welfare and Development (DSWD) is willing to face any investigating body and present the necessary evidence and other relevant documents to clarify the allegations raised by Senator Manny Pacquiao on the implementation of the Social Amelioration Program (SAP).
In fact, the agency has attended several Congressional hearings relative to the SAP implementation and has presented all the necessary reports for transparency. In addition, regular financial reports are submitted to oversight agencies and to the Office of the President.
Meanwhile, the DSWD emphasized that all funds provided to the Financial Service Providers (FSPs) are all accounted for and that there are no “missing” funds. All aid distributed is supported by liquidation reports that can be shared, if necessary. The agency ensures that the processes adopted by FSPs on payouts are in accordance with BSP-approved processes and existing government accounting rules and procedures.
The DSWD explained that it engaged the services of FSPs for the distribution of the second tranche of the SAP. The FSPs are Robinsons Bank, Unionbank, RCBC, Gcash, Paymaya, and Starpay. The FSPs were identified through the technical assistance of the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) having the expertise on digitization as well as enabling policies and regulatory environment for financial inclusion and digital payments.
In identifying the FSPs, BSP explained that primary considerations were given to the presence of payout partners to ensure ease and ability to cash out by beneficiaries balanced with other considerations such as: presence of any business model institutions, historical experience in commercial roll out, and type of cash out points that may contribute to ensuring liquidity or availability of cash.
It can be recalled, however, that the agency terminated the services of the FSPs last April 2021. The Department then opted to conduct manual payouts for the unserved 2nd tranche beneficiaries. The FSPs, including Starpay, liquidated the budget that they received and refunded the amount for the unserved beneficiaries to the DSWD.
To date, more than 17 million low-income families have received their first tranche of SAP with more than P98 billion amount disbursed. For the second tranche, 14.88 million families have also received their cash assistance with over P89.8 billion disbursed, as of July 2, 2021. Some payout activities are currently ongoing and will be completed by the end of this month.
The DSWD vows that all its transactions are transparent and in accordance with generally accepted accounting principles. ###
DSWD, handang humarap sa imbestigasyon; nanindigan na walang ‘missing fund’ ang SAP
Nakahanda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na harapin ang anumang imbestigasyon at isumite ang kinakailangan na mga dokumento upang bigyang-linaw ang alegasyon ni Senator Manny Pacquiao at magbigay ng tiyak na datos hinggil sa implementasyon ng Social Amelioration Program (SAP).
Sa katunayan, una nang dumalo ang Ahensya sa maraming pagdinig sa Kongreso na may kaugnayan sa pagpapatupad ng SAP at ibinahagi ang lahat ng kinakailangang ulat hinggil dito. Karagdagan dito, nagsusumite rin ng mga regular na pinansyal na ulat ang Ahensya sa mga oversight agencies at sa Office of the President.
Samantala, binigyang-diin ng DSWD na ang lahat ng pondong ibinigay sa mga Financial Service Provider (FSPs) ay accounted for at walang mga “nawawalang” pondo. Ang lahat ng ayuda na ipinamahagi ay sinusuportahan ng liquidation reports na maaaring maibahagi, kung kinakailangan. Tinitiyak ng ahensya na ang mga prosesong isinagawa ng mga FSP sa mga payouts ay alinsunod sa mga prosesong aprubado ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at naaayon sa umiiral na government accounting rules and procedures.
Ipinaliwanag ng DSWD na kinuha nito ang mga serbisyo ng FSPs para sa pamamahagi ng ikalawang tranche ng SAP. Ang mga FSP ay ang Robinsons Bank, Unionbank, RCBC, Gcash, Paymaya, at Starpay. Ang mga FSP ay natukoy sa pamamagitan ng technical assistance ng BSP na siyang may kaukulang kaalaman sa mga pinansyal na polisiya at regulasyon tungkol sa pananalapi.
Sa pagtukoy sa mga FSP, ipinaliwanag ng BSP na ang pangunahing mga konsiderasyon ay ang pagkakaroon ng balanse sa kakayahan ng mga FSP at kakayahan ng mga benepisyaryo na mag-cash out. Karagdagan dito, ay ang pagkakaroon ng business model institution, karanasan sa commercial roll out, at uri ng cash out points na makakatulong sa pagtitiyak ng liquidity o pagkakaroon ng sapat na pera.
Matatandaan naman na itinigil ng ahensya ang paggamit sa FSPs sa distribusyon ng ayuda noong Abril 2021. Ito ang nagbigay-daan sa pagsasagawa ng manu-manong pamamahagi ng ayuda para sa mga unserved na benepisyaryo ng ikalawang tranche ng SAP. Ang mga FSP, kabilang na rito ang Starpay, ay nag-liquidate ng badyet na kanilang natanggap at ang natitirang pondo para sa unserved na mga benepisyaryo ay ibinalik naman sa DSWD.
Sa kasalukuyan, higit sa 17 milyong mga pamilya na may mababang kita ang nakatanggap ng kanilang 1st tranche ng SAP na nagkakahalaga ng higit P98 bilyong piso. Para naman sa 2nd tranche, batay sa ulat nitong ika-2 ng Hulyo, ang ahensya ay nakapamahagi ng higit P89.8 bilyong piso sa higit 14.8 milyon na pamilya. Nagpapatuloy rin ang ilang mga payout activities sa ibang mga lugar at inaasahan na matatapos ang mga ito ngayong buwan.
Tinitiyak ng DSWD na ang lahat ng mga transaksyon nito ay transparent at alinsunod sa generally accepted accounting principles. ###