Ngayon, mas nagsikap ako. Kasi po dati, nakikita ko po ‘yung hirap ng pamilya ko. Pero ngayon, dumating po yung 4P’s nakita ko po na may mga tao na tumutulong sa iyo. Alam ko po na hindi sila humihingi ng kapalit pero po sa akin sa pagsisikap ko sa pag-aaral ‘yun na po ‘yung ginagamit ko bilang kapalit. ‘Yung pera po na binibigay ng gobyerno hindi po namin sinayang ‘yun. Kaya po natutustusan po ‘yung mga gastusin ko sa paaralan.

Noong nakapasa po ako ng UP, masaya po ako kasi ‘yun po talaga yung pangarap kong paaralan. ‘Yun po yung naibigay sa akin ng CCT, nabigyan po nila ako ng mabuting edukasyon upang makapagtapos po ako ng high school at ngayon po makapag-aral po ako ng college.

Alam ko po na maraming bumabatikos sa programang ito, pero gusto ko po na sabihin kay Pangulong Benigno Aquino na tingnan na lang po nila ako, kami. Kami po ‘yung mga patunay na ‘yung perang nilalagak ng gobyerno ay hindi nasasayang. Napupunta ito sa mabuting adhikain na alam ko na balang-araw makakatulong upang mapataas ang estado ng ating bansa.

– Alyannah Terite, a Pantawid Pamilyang Pilipino Program beneficiary

(