Lumagda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Commission on Elections (COMELEC) sa isang kasunduan para mas palawakin ang voters’ education sa hanay ng mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Lumagda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Commission on Elections (COMELEC) sa isang kasunduan para mas palawakin ang voters’ education sa hanay ng mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Nilagdaan ni Undersecretary Vilma Cabrera ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at  ni Chairperson George Erwin M. Garcia ng Commission on Elections (COMELEC) ang isang Memorandum of Understanding (MOU) hinggil sa 4Ps ( Pantawid Pamilyang Pilipino Program) Voters’ Education na ginanap sa Bureau of Treasury Convention Hall, Palacio del Gobernador, noong  Biyernes (Oktubre 27).

Layunin ng kasunduan na lalong palawigin ang kasalukuyang voters education ng 4Ps, ang aktibong mamamayan module, na isinasagawa sa Family Development Sessions (FDS). Bibigyan ng karagdagang kaalaman ng mga benepisyaryo ng 4Ps tungkol sa halalan upang mas lalo nilang maunawaan ang kanilang responsibilidad bilang isang botante at aktibong makilahok tuwing halalan.

Sa mensahe ni Kalihim Rex Gatchalian na ibinahagi ni Undersecretary Cabrera, binigyang diin nito na ang kanilang pagpirma sa kasunduan ay ang pagbibigay halaga na masigurong may sapat at wastong kaalaaman ang mga benepisyaryo ng 4Ps upang magkaroon ng malaya at matalinong pagpili sa mga magiging lider ng pamahalaan.

Samantala, sinabi naman ni Chairperson Garcia, na malaking populasyon ang 4Ps at malaking bahagi sila ng voting population kaya naman nais ng COMELEC na isulong ang 4Ps Voters’ Education.

Ang 4Ps ay isang programa ng pamahalaan na pinangungunahan ng DSWD. Layunin nito na putulin ang ‘intergenerational cycle of poverty’ sa mga mahihirap na sambahayan sa pamanagitan ng pagbibigay ng cash grants para sa edukasyon at nutrisyon ng mga pamilyang may 0 to below 18 years old na mga anak.

Base sa Setyembre 2023 na datos ay may 4.070 milyong benepisaryo ang 4Ps mula sa 41,676 na barangay sa buong bansa. #