Pinangunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pagkumbinsi sa isang pamilya na tatlong taon nang naninirahan sa lansangan upang sumama sa DSWD at mabigyan ng nararapat na interbensyon sa ilalim ng proyektong Oplan Pag-Abot.

Ang reach-out operations nitong Lunes (July 3) ay ang unang araw ng implementasyon ng Oplan Pag-Abot sa buong Metro Manila.