Kampanya laban sa kahirapan at kagutuman, lalung palalakasin ng DSWD at iba pang gov’ agencies at int’l partners
Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), at mga myembro ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) National Convergence mula sa national government at international organizations, ang paglagda sa EPAHP Joint Memorandum Circular (JMC) ngayong araw (October 28) sa Heroes Hall ng Malacañ Palace.
“The ceremonial signing will mark a significant milestone in enhancing the collaborative efforts of EPAHP partners and development organizations in ensuring sustainable and inclusive programs that will promote food and nutrition security,” ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian.
Ang nilagdaang memorandum circular ay ipi-prisinta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ang EPAHP JMC o Guidelines on the Implementation of the Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) Program ay naglalayong palakasin ang pinagsama-samang lakas upang labanan ang kagutuman at kahirapan sa bansa.
Batay sa JMC guidelines para sa adoption at implementation ng EPAHP Program ng national government agencies (NGAs), local government units (LGUs), at iba pang partners nito ang magaayos ng mga programs, projects, activities, at services.
“These guidelines will ensure the continuous and effective implementation of the EPAHP Program,” dagdag pa ni Secretary Gatchalian.
Ang DSWD ang nakatalaga para magimplementa ng Supplementary Feeding Program (SFP); regular meals para sa Centers and Residential Care Facilities (CRCF); Bangsamoro Umpungan sa Nutrition (BangUn) Program Food Voucher Program; at Walang Gutom Program (WGP).
Sa ilalim bg SFP, ang DSWD katuwang ng LGUs , ang maglalaan ng pagkain bukod pa sa regular meals sa mga batang nagaaral sa Child Development Centers (CDC) and Supervised Neighborhood Play. Ito ay bilang bahagi ng kontribusyon ng DSWD para sa Early Childhood Care and Development (ECCD) program.
Maglalaan din ang DSWD ng pondo para sa food supplies and meals ng mga kliyente na nasa CRCFs.
Ang BangUn sa kabilang banda ay isang nutrition program ng DSWD na pinapagana ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na naglalayon na mabawasan ang mga malnourished children na may edad 0-12 at mabigyan ng health support ang mga pregnant and lactating women (PLW).
Ang DSWD-WGP, ay base sa Executive Order No. 44, at programa ng gobyerno para sa anti-hunger and poverty reduction na naglalayon na wakasan ang kahirapan at kagutumam sa mga low-income households.
“As chair of the Inter-Agency Task Force on Zero Hunger, the DSWD expresses its gratitude to President Ferdinand R. Marcos Jr for recognizing the significance of the initiatives of the EPAHP Program that will strengthen the programs and services of the members of EPAHP,” sabi pa ni Secretary Gatchalian.
Nauna dito, ang Office of the President (OP) ay nagisyu ng Memorandum Circular (MC) No. 47 na naguutos sa mga government agencies na suportahan ang EPAHP Program.
“All national government agencies and instrumentalities, including government-owned or -controlled corporations and government financial institutions (GFIs), are hereby directed, and all LGUs are hereby encouraged, to extend full support and cooperation to the Task Force on Zero Hunger relative to the implementation of the EPAHP Program,” ayon sa MC.
Kabilang sa mga lalagda sa kasunduan ang mga Cabinet secretaries at high-ranking officials mula sa mga government agencies and development partners, kabilang na ang United Nations World Food Programme (WFP) at Food and Agriculture Organization, (FAO).
Ang EPAHP ay isang convergence program ng national government na naglalayong bawasan ang kagutuman sa bansa..Layunin din nito na matiyak na mabigyan ng pagkain at nutrition security at mabawasan din ang kahirapan sa mga urban at rural communities.#