Opisyal ng DSWD ibinida ang mabilis na relief ops sa Bicol, iba pang lugar na sinalanta ni Kristine; plano sa recovery efforts nakahanda na rin
Ibinahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tuloy-tuloy na shared disaster response efforts at early recovery plans ng ahensya para tugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga pamilya at indibidwal na naapektuhan ng bagyong Kristine.
Sa ginanap na News Forum sa Dapo Restaurant sa Quezon City ngayong Sabado (October 26), ibinahagi ni Special Assistant to the Secretary (SAS) for Disaster Response Management Group (DRMG) and Concurrent Officer-in-Charge (OIC) of the National Resource and Logistics Management Bureau (NRLMB) Leo Quintilla ang kahandaan ng DSWD sa panahon ng kalamidad.
“Ang DSWD po ay handa before and after sa pag-respond to augment our LGUs sa affected areas sa Bicol,” sabi ni SAS Quintilla.
“Before na tumama yung STS Kristine, ang DSWD mayroon tayong stockpile na 2.1 million family food packs (FFPs). Sa Bicol Region, kaya tayo naka-release nang mabilis is dahil mayroon tayong around 71,000 FFPs sa Bicol alone bago tumama si STS Kristine. So first day pa lang, 71,000 FFPs na agad ,” dagdag pa bi SAS Quintilla.
Inihayag din ng opisyal na nakapagpaabot na ang DSWD ng 277, 579 kahon ng family food packs o FFPs at mahigit sa 7000 non-food items sa mga rehiyon na apektado ng bagyo.
Gayundin, nakapagbigay na ang DSWD ng humanitarian assistance na nagkakahalaga ng Php163.844 million sa Regions 1 (Ilocos Region), 2 (Cagayan Valley), 3 (Central Luzon), 4-A (CALABARZON), 4-B (MIMAROPA), 5 (Bicol Region), 6 (Western Visayas), 7 (Central Visayas), 8 (Eastern Visayas), 9 (Zamboanga Peninsula), 12 (SOCCSKSARGEN), National Capital Region (NCR), Cordillera Administrative Region (CAR), at Caraga; kasama na rito ang Php69.239 million halaga ng food and non-food items na ibinigay sa Bicol Region.
Bukod dito, sinabi din ni SAS Quintilla na paparating na din ang potable water na ipamamahagi ng DSWD sa mga internally displaced locals sa Bicol.
“Actually, the DSWD continues to innovate. So right now, we have a new product, ang tawag namin ay family filtration kit, parang bucket lang sya na mayroong 0.1 na micron filter that can produce at least 1,200 liters a day. Rain water, stream, or deep well ay pwede nya gamitin yung filter to remove cholera, salmonella, and other bacteria to ensure na mayroon tayong tubig na magagamit. Ang strategy namin ngayon, is to allocate these sa ating mga evacuation centers na nangangailangan ng malinis na tubig,” sabi pa ni SAS Quintilla.
At para naman sa early recovery plans, nakikipagtulungan ang DSWD sa mga affected LGUs para naman sa tulong suporta na maaaring ibigay ng ahensya sa mga pamilyang nawalan ng tahanan at kabuhayan.
“After the response, pumapasok na tayo sa early recovery at rehabilitation. So, una ang nawawala sa ating mga communities ay yung livelihood, so the objective of early recovery is to restore livelihood sa family. Dito sa DSWD, we have a number of programs to respond to . We have emergency cash transfer program, we have the cash-for-work, at iba pang mga programa, of course, we also have the Assistance to Individuals in Crisis Situation,” sabi pa ni SAS Quintilla.#