The Department of Social Welfare and Development (DSWD) vowed to provide necessary assistance to indigenous peoples (IPs) who traditionally roam around Metro Manila and nearby urban areas during the holiday seasons.
DSWD-MIMAROPA Regional Director Leonardo Reynoso said providing interventions may prevent them from going to Metro Manila and will ensure their safety from the dangers on the streets.
“Alam po natin na hindi naman pinagbabawal ang pagbabyahe pero para hindi po sila mapakahamak ay, tama po kayo, kinakailangan na mayroon po tayong ibibigay na programa para sa kanila para nang sa ganoon ay hindi na sila pumarito sa Maynila,” Regional Director Reynoso said this during the DSWD’s Thursday Media Forum last October 17 at the agency’s Central Office in Quezon City.
In the MIMAROPA Region, Director Reynoso said the DSWD field office is working closely with the local government units (LGUs) to ensure that members of the IP communities will be given assistance even before they reach urban areas.
“Batay po sa aming karanasan, ang mga Mangyan po ay hindi naman nakadadating dito sa Maynila. Kadalasan ay hanggang sa Batangas City pero pagdating po sa pier ng Calapan ay inaalam na kung ano ba ang kanilang sadya. Kung talagang kinakailangan na mabigyan sila ng serbisyo ay ikino-coordinate na yan sa LGU,” the MIMAROPA regional director pointed out.
The DSWD official emphasized that aside from the aid given before the holiday season, the IPs are also beneficiaries of the agency’s Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) and Sustainable Livelihood Program (SLP).
“Hindi po ito minsan-minsan lang, kung hindi ay palagi at sila rin po ay benepisyaryo ng ating AICS at SLP. Sa tingin po natin, ngayong 2024, ay baka hindi na ganoon kadami ang bababa kung ito po ay sa context ng MIMAROPA,” Director Reynoso said.
The National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), other non-government organizations, and the private sector, as mentioned by Director Reynoso, are partners of the DSWD and LGUs in providing aid to IPs. #
Tagalog Version
Mga IPs sa MIMAROPA, tutulungan ng DSWD para hindi mamalimos sa kalye sa panahon ng kapaskuhan
Nakahanda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng kaukulang tulong sa mga indigenous peoples (IPs) na karaniwang makikita sa mga kalsada sa Metro Manila partikular na sa panahon ng kapaskuhan.
Ayon kay DSWD-MIMAROPA Regional Director Leonardo Reynoso, ang pagbibigay ng sapat na interbensyon sa mga IPs ay isang paraan upang maiwasan ng mga itong mamalimos sa kalsada at upang matiyak na rin ang kanilang kaligtasan.
“Alam po natin na hindi naman pinagbabawal ang pagbabyahe pero para hindi po sila mapakahamak ay, tama po kayo, kinakailangan na mayroon po tayong ibibigay na programa para sa kanila para nang sa ganoon ay hindi na sila pumarito sa Maynila,” sabi ni Regional Director Reynoso sa ginanap na DSWD Thursday Media Forum nitong nakaraang October 17.
Sabi pa ni Director Reynoso, nakikipagtulungan aniya ang DSWD field office sa lokal na pamahalaan upang masiguro na mabibigyan ng tulong ang IP communities.
“Batay po sa aming karanasan, ang mga Mangyan po ay hindi naman nakadadating dito sa Maynila. Kadalasan ay hanggang sa Batangas City pero pagdating po sa pier ng Calapan ay inaalam na kung ano ba ang kanilang sadya. Kung talagang kinakailangan na mabigyan sila ng serbisyo ay ikino-coordinate na yan sa LGU,” paliwanag pa ng MIMAROPA regional director..
Bukod sa pagbibigay ng sapat na tulong sa panahon ng kapaskuhan, sinabi rin ng DSWD official ang mga myembro ng IPs community ay kabilang din sa mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) and Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD.
“Hindi po ito minsan-minsan lang, kung hindi ay palagi at sila rin po ay benepisyaryo ng ating AICS at SLP. Sa tingin po natin, ngayong 2024, ay baka hindi na ganoon kadami ang bababa kung ito po ay sa context ng MIMAROPA,” sabi pa ni Director Reynoso.
Kabilang ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), non-government organizations, at private sector, sa mga partner agency ng DSWD na nagbibigay ng tulong sa mga IPs. #