The Department of Social Welfare and Development (DSWD) was lauded by the local chief executive of Naga City in Camarines Sur province on Wednesday (September 4) for the agency’s swift delivery of augmentation support to the local government unit’s (LGU) relief efforts for families severely affected by Tropical Storm Enteng.
In an interview over DZBB, Naga City Mayor Nelson Legacion said he has been actively coordinating with DSWD Field Office (FO) 5 – Bicol Regional Director Norman Laurio whose FO provided unhampered response to the needs of the severely-impacted constituents since the onslaught of Enteng.
“Meron pa pong dumarating na tulong coming from DSWD na atin pong pinupuri ano po, mabilisan po yung aksyon po nila at magkausap po kami ni Regional Director Norman Laurio noong gabi, kasagsagan ng ulan,” Mayor Legacion told veteran broadcasters Arnold Clavio and Connie Sison.
“The following day, Monday, 7:00 AM, andoon na kaagad yung mga food packs at immediately sinimulan na po naming ipamigay sa mga evacuees,” Mayor Legacion said as he noted the DSWD’s immediate response to their request for FFPs.
As a part of the Department’s disaster and relief response, the DSWD FO-5 dispatched additional 2,000 Family Food Packs (FFPs) to evacuation centers in Naga City and Canaman town Camarines Sur on Tuesday (September 3).
The FO-5 has so far provided 24,461 boxes of FFPs to families affected by Tropical Storm Enteng in the six provinces of the Bicol Region.
These FFPs are either prepositioned in the Field Office, released to local government units (LGUs) or currently being delivered/picked-up by LGUs.#
Pinapurihan ng alkalde ng Naga City ang mabilis at maagap na pagresponde ng mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kasagsagan ng bagyong Enteng.
Base sa panayam kay Naga City Mayor Nelson Legacion sa DZBB, sinabi nitong naging maagap ang DSWD sa pagpapadala ng tulong sa lokal na pamahalaan kaya’t naging mabilis din ang pamamahagi ng relief goods sa mga apektadong pamilya bunsod ng bagyong Enteng.
Sa nasabing panayam, binigyang papuri din ni Naga City Mayor Nelson Legacion ang DSWD Field Office (FO) 5 – Bicol partikular na si Regional Director Norman Laurio dahil sa anya’y walang kapaguran nitong pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangang residente na sinalanta ng bagyo.
“Meron pa pong dumarating na tulong coming from DSWD na atin pong pinupuri ano po, mabilisan po yung aksyon po nila at magkausap po kami ni Regional Director Norman Laurio noong gabi, kasagsagan ng ulan,”sabi ni Mayor Legacion sa panayam nina veteran broadcasters Arnold Clavio at Connie Sison.
Dagdag pa niya, “The following day, Monday, 7:00 AM, andoon na kaagad yung mga food packs at immediately sinimulan na po naming ipamigay sa mga evacuees.,”
Bilang tugon naman sa disaster and relief response ng ahensya, ang DSWD FO-5 ay nakapamahagi na ng dagdag na 2,000 Family Food Packs (FFPs) sa mga evacuation centers sa Naga City at bayan ng Canaman sa Camarines Sur.
Sa kasalukuyan ang FO-5 ay nakapagbigay na ng 24,461 kahon ng FFPs sa mga nasalantang pamilya dulot ng bagyong Enteng sa anim na lalawigan sa rehiyon ng Bicol.
Ang mga nasabing FFPs ay pawang nakaantabay na sa iba’t-ibang DSWD Field Office, habang ang iba naman ay naipamahagi na sa local government units (LGUs) at ang iba naman ay nai-deliver o napick-up na din ng LGUs.#