Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian personally visited displaced families staying in evacuation centers in Antipolo City and Cainta in Rizal province, and in San Pedro, Laguna on Tuesday (September 3).

“Ipinadala po ako ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para kamustahin kayo. Alam ko naman na mahirap itong mga nakalipas na araw at gusto lang naming malaman ninyo na ang pamahalaang nasyunal, sa pamumuno ng ating Pangulo, ay nakatutok sa inyong sitwasyon,” Secretary Gatchalian told the evacuees who are presently staying in modular tents at the evacuation center in Jesus S. Cabarus Elementary School, Barangay San Jose in Antipolo City.

During his visit, Secretary Gatchalian oversaw the distribution of 107 family food packs (FFPs) and Php10,000 financial aid, through the Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), to each of the families of the seven individuals who perished from landslides and floods spawned by the effects of Tropical Storm Enteng in Antipolo City.

In Cainta, Rizal, some 198 boxes of FFPs were distributed by the DSWD Field Office – CALABARZON to displaced families staying at the Kabisig Elementary School in Barangay San Andres in Cainta, Rizal.

Afterwards, the DSWD chief went to check the condition of the evacuees staying at the Rosario Complex, San Pedro, Laguna who received a total of 128 FFPs from the DSWD.

The DSWD Secretary commended the local chief executives of the three local government units (LGUs) for their efficient and immediate delivery of assistance to their affected constituents.

“Pag very organized yung LGU, mas madali naming nagagawa yung trabaho namin,” Secretary Gatchalian pointed out.

Disaster preps

In an interview with media partners at the evacuation center, Secretary Gatchalian shared the preparations being done by the agency for the effects of the La Niña season.

“Alam nga namin na may binabantayan na dalawa pang potential na bagyo na papasok. Ang DSWD, sabi ko nga, 365 days in a year tuloy-tuloy ang ating preparation. Hindi tayo nag-aantay ng sakuna bago tayo nag-pe prepare,” the DSWD chief explained to members of the press.

“Sa utos ng ating Pangulo, mayroon kaming programa na Buong Bansa Handa. Ang programa na iyan continuous na stockpiling nationwide, prepositioning para hindi pa man tumatama ang bagyo o ang sakuna, nandoon na…ang goal natin lagi is to make an inventory of above 1 million nationwide. Right now, ang running inventory nga natin nasa about 1.7 million and we plan to grow that out all the way to 2 million kasi alam natin na may mga sunud-sunod na papasok nitong La Niña season,” the DSWD chief said. #

Tagalog Version

DSWD chief personal na namahagi ng tulong sa apektadong pamilya sa Rizal at Laguna dulot ng bagyong Enteng

Personal na binisita ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mga evacuees na nanunuluyan sa iba’t-ibang evacuation centers sa Antipolo City, Cainta at San Pedro, Laguna.

“Ipinadala po ako ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para kamustahin kayo. Alam ko naman na mahirap itong mga nakalipas na araw at gusto lang naming malaman ninyo na ang pamahalaang nasyunal, sa pamumuno ng ating Pangulo, ay nakatutok sa inyong sitwasyon,” sabi ni Secretary Gatchalian sa mga evacuees na tumutuloy ngayon sa mga modular tents at evacuation center sa Jesus S. Cabarus Elementary School, Barangay San Jose ,Antipolo City.

Personal ding pinangunahan ng Kalihim ang pamamahagi ng 107 family food packs (FFPs), gayundin ang pagbigay ng Php10,000 financial aid, sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), para sa mga pamilya ng nasawing 7 katao dulot ng landslides at pagbaha matapos ang pananalasa ng bagyong Enteng sa Antipolo City.

Sa Cainta, Rizal naman, nagpamigay din ang DSWD Field Office -CALABARZOB ng 198 boxes ng FFPs sa mga apektadong pamilya na nasa Kabisig Elementary School in Barangay San Andres sa Cainta, Rizal.

Matapos ito, nagtungo din ang DSWD chief upang bisitahin ang kalagayan ng mga evacuees sa Rosario Complex, San Pedro, Laguna. Sila ay tumanggap ng 128 FFPs mula sa ahensya.

Kasunod nito, pinapurihan ng DSWD Secretary ang local chief executives ng tatlong local government units (LGUs) dahil sa mabilis at maayos na pagbibigay ng tulong sa mga apektadong residente.

“Pag very organized yung LGU, mas madali naming nagagawa yung trabaho namin,” sabi ni Secretary Gatchalian.

Sa isang media interview binanggit ng Kalihim ang mga preparasyon na ginagawa ng ahensya sa epekto ng La Niña season.

“Alam nga namin na may binabantayan na dalawa pang potential na bagyo na papasok. Ang DSWD, sabi ko nga, 365 days in a year tuloy-tuloy ang ating preparation. Hindi tayo nag-aantay ng sakuna bago tayo nag-pe preoare,” paliwanag ng DSWD chief.

“Sa utos ng ating Pangulo, mayroon kaming programa na Buong Bansa Handa. Ang programa na iyan continuous na stockpiling nationwide, prepositioning para hindi pa man tumatama ang bagyo o ang sakuna, nandoon na…ang goal natin lagi is to make an inventory of above 1 million nationwide. Right now, ang running inventory nga natin nasa about 1.7 million and we plan to grow that out all the way to 2 million kasi alam natin na may mga sunud-sunod na papasok nitong La Niña season,” dagdag pa ng Kalihim.#