DSWD nagpaabot ng Php16.3M tulong sa mga apektado ng bagyong ‘Enteng’
Umabot na sa mahigit Php16 million halaga ng tulong suporta ang naipaabot na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga local government units (LGUs) para umagapay sa mga pangangailangan ng mga residenteng sinalanta ng bagyong Enteng.
“Our disaster response operations are still on-going, but we have already sent as of September 3, over Php16 million-worth of assistance as part of our resource augmentation to the affected localities,” sabi ni Asst. Secretary for Disaster Response Management Group (DMRG) at Spokesperson Irene Dumlao.
Kabilang sa humanitarian aid na ipinaabot ng ahensya ay ang food at non-food items. Ang mga ito ay ipinamahagi sa mga apektadong residente sa National Capital Region (NCR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Central at Eastern Visayas.
Nananatili namang nasa high alert ang Disaster Response Command Center (DRCC) at patuloy ang koordinasyon nito sa mga tauhan ng iba’t-ibang Field Offices, National Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (NDRRMOC), at iba pang concerned agencies upang matiyak ang pagbibigay ng serbisyo sa mga nangangailangan.
“We make sure that we are strengthening our lines of communication to immediately address the needs of our affected communities,” sabi pa ng tagapagsalita ng DSWD.
Binanggit din ni Asst. Secretary Dumlao, ang mga relief supplies ay readily available sa Northern Luzon at Cagayan Valley na kasalukuyang binabayo ng bagyong Enteng.
“In the regional warehouse in Laoag City, Ilocos Norte, we have already delivered 5,000 FFPs and brought
the total prepositioned relief supplies to 16,116 FFPs across six storage facilities in the province.
This is to ascertain that we will never run out of relief supplies for our
kababayans as Enteng brings heavy rainfall to their area,” dagdag pa ng DSWD spokesperson.
Base sa September 3 report ng Disaster Response Operations Management, Information, and
Communication (DROMIC) ng ahensya, umabot na sa 80,078 families o 303,938 katao sa may 767
barangays ng National Capital Region (NCR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Central Visayas at Eastern Visayas ang iniulat na apektado ng bagyo.
Samantala, halos 14,607 families o kabuuang 60,202 indibidwal naman ang kasalukuyang nasa 441 evacuation centers sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
“We are facing a high
volume of affected families, but we assure that we will maximize our prepositioned and available resources so that we can attend to their needs and other necessary interventions,” sabi pa ng DMRG official.#